Blog

Songs

See Video here

kuh ledesma

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Kapag sa banga
Ni butil ay wala
Ang gubat at ilog
May handang biyaya

Noong Unang Panahon
Ang sikat ng araw
Ay nagpapalago
Sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon
Kay init ng darang
Ilog tinutuyo
Parang tinitigang

Noong Unang Panahon
Ang patak ng ulan
Pinasasariwa
Dahong naninilaw
Ngayo’y nagngangalit
May hanging kasabay
May bahang kasunod
Na nakamamatay

Noong Unang Panahon
Ang puso ng tao’y
Marunong magmahal
Hindi nanloloko
Sa hapis ng iba’y
Laang makisalo
Layo’y pumayapa
At hindi manggulo

Pati na ang langit
Na dati’y kay baba
Ay nagpakalayo
Sa ulilang lupa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa

Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon

Click here to hear audio

Ako ay Filipino
Lahing matapang, lahing matalino
Nalakbay ko na ang mundo

Walang unos, o bagyo
Sa aki’y gugupo
Lahi ng matatag
Ako ay Filipino

Chorus:

Ako ay Filipino
(Ako’y makadioyos)
AKo ay Filipino
(Ako’y makatao)

Saan makarating
Sino mang makapiling
Aangat ang galling
Habambuhay, Filipino.

Aaaahhh

Pitong libo’t isang daang isla
Magkakahiwalay ngunit nagkakaisa
Tahanan n gaming lahi,
Mga pook na aming minimithi

Puno ng kasaysayan
Puno ng hiwaga
Sa mga lugar na ito nakatanim
Ang ugat ng pagkaFilipino

*Repeat Chorus

Filipino, Filipino

Kami ang lahing kayumanggi
Mulas bughaw na langit at dagat
Mula sa pulang animo’y dugo
Hinalo sa dilaw na araw at bituin

Yan ang kulay ng katatagan
Yan ang kulay ng kagitingan
Buong tapang na sumisigaw
Yan ang Filipino

*Repeat Chorus 

Filipino

Ito ma’y dala ng pagkakataon
O sadyang binuo’t nagging okasyon
Pagdiriwang an gaming kasiyahan
Ipinagbubunyi ang kalayaan

Pinupuri ang katapangan
Kapanganakan, pagiisang dibdib
Pagbalikbayan o talinong nagtatagisan

Ipagdiwang natin ang pagiging Filipino

*Repeat Chorus

Sa kahoy, bato at metal inukit
Sa tula’t musikang aming inaawit
Mga aral mula sa aming ninuno
O panaghoy ng umiibig na puso

Mga gawang kamay at kathang isip
Mga bagay at obrang nilililok
Pinipili at pinipino

Sagisang ng Filipino

*Repeat Chorus

Ako ay Filipino
Lahing matapang, lahing matalino
Nalakbay ko na ang mundo

Walang unos, walang bagyo
Sa aki’y gugupo
Lahing matatag
Ako ay Filipino

*Repeat Chorus

Filipino, Filipino, Filipino,Filipino, Filipino….

Click here to listen to audio

Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?

Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Napasyal ka na ba –
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara?
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Namiesta ka na ba –
Sa Peñafrancia sa Napa
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Halika, biyahe tayo…

 

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *