Blog

Reference Song Lyrics: Noong Unang Panahon

Video:

Noong Unang Panahon

 

Lyrics:

Sa Luzon, Visayas at Mindanao
May mga alamat na iniingatan
Mayaman sa tula’t katutubong galaw
Sa Luzon, Visayas at Mindanao

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Kapag sa banga
Ni butil ay wala
Ang gubat at ilog
May handang biyaya

Noong Unang Panahon
Ang sikat ng araw
Ay nagpapalago
Sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon
Kay init ng darang
Ilog tinutuyo
Parang tinitigang

Noong Unang Panahon
Ang patak ng ulan
Pinasasariwa
Dahong naninilaw
Ngayo’y nagngangalit
May hanging kasabay
May bahang kasunod
Na nakamamatay

Noong Unang Panahon
Ang puso ng tao’y
Marunong magmahal
Hindi nanloloko
Sa hapis ng iba’y
Laang makisalo
Layo’y pumayapa
At hindi manggulo

Pati na ang langit
Na dati’y kay baba
Ay nagpakalayo
Sa ulilang lupa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa

Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon

Mamana manama manama
Manama manama manama
Manama manama manama
Manama manama manama

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa

Noong Unang Panahon (Noong Unang Panahon)
Noong Unang Panahon (Noong Unang Panahon)
Noong Unang Panahon (Noong Unang Panahon)

Aaaah

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *